Joke Time : "May Tama ka Juan ! " misadbentyurs of Juan / Episode Two
“May Tama ka Juan.”
Misabentyurs ni Juan :
Episode two
By EQ
“Kung
nabasa nyo yung episode one ng misadbentyur ni Juan kung saan nabugbog sarado
sya sa Recto ( Tinimbang ka Ngunit Kulang episode one -Juan  ) , heto na po yung episode
two sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay…” 
Di nakayanan ni Juan ang hirap na dinanas sa Manila, bumalik na lang sya sa
probinsya. At Sa sobrang sakit ng katawan at sama ng loob matapos mabugbog,
pumunta sa bar si Juan kasama ang kanyang kaibigan na si Pedro para magpaka
lasing at makalimutan ang lahat ng problema.
“Pare, grabe talaga sa Manila,
pagkulang sa timbang ang ebak mo, bugbog sarado ka. Kaya payo ko sayo, pag kumain
ka sa Manila, siguraduhin mong isang kilo para paglabas, isang kilo din. “ payo
ni Juan.
“Bayaan mo, tatandaan ko yan Juan.”  sagot ni Pedro.
Nagpakalasing
sila magdamag, inum, inom, inom … sila na ang nagsara ng bar. Hindi na halos
sila makatayo ng derecho nung pauwi na sila sa bahay.
Dahil
masyadong remote bayan nila, wala nang masasakyan kaya lakad ang magkaibigan. Sa
kalagitnaan ng pasuray suray nilang paglalakad may nakita si Pedro sa di
kalayuan sa gitna ng kalsada.
“Juan, it’s our lucky night, May cake sa
gitna ng road” - sabi ni Pedro ( napapaenglish sa kalasingan
)
English din si Juan, “No it’s not cake, it’s a carabao ebak.”
“Cake yan.” - pilit
ni Pedro.
“Ebak ng kalabaw yan.” pilit
din ni Juan.
“Tara lapitan natin.” – nagduet
pa ang dalawang lasing. Eh di nilapitan nga nila yung UPO - Unidentified Pabilog
na Object. Inimbestigahan ala CIS. 
 Tama ako sabi ni Pedro -“Cake nga.”
“Ako ang tama, Ebak ng kalabaw nga.” - pilit
pa din ni Juan.
“Ganito na lang, amuyin natin para
makasigurado tayo.” Hamon ni Pedro.
Challenge
accepted si Juan.
Inamoy
nga nila as agreed…..
“Cake, walang kaduda duda !!! “ sabi
ni Pedro.
“Ebak ng Kalabaw yan, 100% !!! “ mariing bawi ni Juan.  
“Ganito na lang para makasigurado tayo, tikman
natin !!!” –
sabi ni Juan. 
 “Call !!!” –
sagot ni Pedro ( Tamang lashing na talaga. )
 Si
Juan ang unang tumikim “ Pare, Tae nga !!!” – walang kaduda dudang sigaw ni Juan.
“Hindi ako naniniwala.” - sabi ni Pedro. So
tumikim din ang tinamaan ng lintik…
“Juan tama ka… Tae nga !!!” - walang
pandidiring sumang ayon si Pedro.
If you
wish to share a joke or article,  I am happy to post it by emailing me at nosebleeds2@gmail.com and please don't forget to SUBSCRIBE and leave a comment below.

Comments
Post a Comment