Joke of the week : "Tinimbang ka ngunit Kulang" Misadbentyur ni Juan Episode one
“Tinimbang ka ngunit Kulang”
Misadvbentyur ni Juan : Episode ( Juan ) one 
By EQ
By EQ
Lumuwas si Juan sa Maynila para magbaka
sakali na makahanap ng trabaho. Unang beses nya palang nakapunta sa Maynila
kaya medyo ninerbiyos, di alam ang pupuntahan at gagawin.
Lakad, lakad hanggang makarating sya sa Recto.
Sa sobrang init at usok, nagutom sa kakalakad ang pobre kaya naisipang maghanap
ng murang makakainan. Napadaan sa nagbebenta ng “Kwek-Kwek”.
“Grabe talaga ang Manila,
sa amin ang itlog puti, dito orange. Pabili nga po ng orange na itlog,
pakibalot po sa supot para kainin ko habang naglalakad”.
Inabot kay Juan yung “Kwek-Kwek” na binalot
sa paper bag.
“Pati pambalot hindi
plastic, tindi talaga dito sa Manila, ibang iba kumpara sa probinsya.”
Di na nagpatumpik tumpik pa, inupakan ni Juan yung “Kwek-Kwek”. Ang problema, recycled yung itlog, ang siste sumakit and tiyan ni Juan at kailangang dumumi.
Di na nagpatumpik tumpik pa, inupakan ni Juan yung “Kwek-Kwek”. Ang problema, recycled yung itlog, ang siste sumakit and tiyan ni Juan at kailangang dumumi.
“Saan ba may CR dito, baka
dito pa ko magkalat.” 
Kahit anong hanap, walang CR kaya dumiskarte
na lang ang probinsyano, naghanap ng eskinita at doon dumumi sa Paper bag na
pinagbalutan ng “Kwek-Kwek”.
“Hay salamat nakaraos din,
san ko ba puedeng itapon ‘tong Ebs ko.” 
So lakad na naman para maghanap ng tatapunan.
Sa di kalayuan may nakita syang mga taong nag uumpukan so nakiusyoso muna si Juan.
“Baka pagkakakitaan to, sa
harap ako pupwesto.”
Hindi nya alam na nag rarally pala yung mga
tao laban sa madayang timbangan sa Manila. 
Sigaw ng leader ng nag ra rally :
“Huwag po kayong papaloko
sa mga tindero at tinderang gumagamit ng madayang  timbangan. Sisiguraduhin ko po sa inyo na puro
mali ang mga timbangan dito sa Quiapo, Recto at Avenida at ito po ay
papatunayan ko sa inyong lahat.”
Tinawag
si Juan sa harapan, sabay hablot sa supot ng EBS at sigaw ulit si leader :                                                                                                      
“Ito pong supot ng lalaking
ito, sisiguraduhin ko pong kulang ito sa timbang.” 
Pilit ang tanggi ni Juan, pero hawak na ng
leader yung supot kaya wala na syang magawa.
“Huwag po yan, huwag po
kuya !!! ” ang sabi ni Juan.
Di nagpa pigil si Leader, sabay dukwang dun
sa laman ng supot…. Ang sumunod na eksena, bugbog sarado si Juan, pikit ang
mata, nag kulay talong ang mukha.
Di nakapaggpigil sa sama ng loob at hinagpis,
sigaw si Juan :
“Mga hayop kayong mga taga
Manila, ayaw ko na dito. Pag kulang sa timbang Ebak mo, gugulpihin ka….  Hu hu hu !!!!” 
If you wish to share an article I am happy to post it by emailing me at nosebleeds2@gmail.com and
don't forget to SUBSCRIBE and leave a comment below.

Comments
Post a Comment